MANILA, Philippines – Suspendido ang klase sa ilang bahagi ng bansa sa Martes, Agosto 4, 2026, dahil sa inaasahang epekto ng bagyong “Luis” at pinalakas na Habagat na dulot ng bagyong “Dolphin.”
Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa buong Bataan, habang lilipat ang mga paaralan sa online o modular learning. Wala ring face-to-face classes sa lahat ng antas sa buong Nueva Ecija.
Sa Pangasinan, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Wala ring face-to-face classes sa lahat ng antas sa Baguio City; San Fernando, La Union; Echague at Tumauini sa Isabela; at Balaoan at Luna sa La Union.
Suspendido naman ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Calumpit, Bulacan.
Wala ring klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa San Fernando City, La Union, kabilang ang Alternative Learning System. RNT