MANILA, Philippines — Nagdeklara ang ilang lokal na pamahalaan ng suspensyon ng face-to-face classes ngayong Martes, Agosto 25, dahil sa epekto ng masamang panahon.
Narito ang mga lugar na may class suspension:
Abra — Lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan; lilipat sa alternative delivery mode (ADM).
Macabebe, Pampanga — Lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan; ADM mula Agosto 24 hanggang 26.
Mangaldan, Pangasinan — Preschool hanggang high school sa pampubliko at pribadong paaralan; lilipat sa ADM.
Hagonoy, Bulacan — Lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
San Miguel, Bulacan — Preschool hanggang high school sa pampubliko at pribadong paaralan; lilipat sa ADM.
Pinapayuhan ang mga mag-aaral, magulang, at guro na bantayan ang mga opisyal na anunsiyo ng kanilang LGU at paaralan para sa mga posibleng pagbabago o karagdagang suspensyon. RNT