Home NATIONWIDE #WalangPasok, Hulyo 17 sa sama ng panahon, brownout

#WalangPasok, Hulyo 17 sa sama ng panahon, brownout

125
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase sa Huwebes, Hulyo 17, 2025, sa ilang lugar dahil sa brownout at masamang panahon.

Sa Antique, walang pasok mula pre-school hanggang senior high school sa Hamtic at San Jose, habang modular learning ang ipinatupad sa Patnongon. Lahat ng antas ay suspendido sa Valderrama.

Sa Catanduanes, lahat ng antas ay walang pasok sa Baras.

Sa Iloilo, suspendido ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa Iloilo City.

Sa Negros Occidental, lahat ng antas ay suspendido sa Bago City, Binalbagan, Calatrava, Cauayan, Himamaylan, Hinigaran, Hinoba-an, Isabela, Kabankalan, La Castellana, at Sipalay. Suspendido rin ang lahat ng klase sa buong Negros Oriental.

Sa Occidental Mindoro, lahat ng antas ay walang pasok sa Rizal.

Sa Palawan, suspendido ang klase hanggang K-12 sa Aborlan at Narra; lahat ng antas naman sa Brooke’s Point, Busuanga, Coron, Culion, Quezon, Rizal, at San Vicente. Sa Sofronio EspaƱola, hanggang Grade 12 ang walang pasok.

Sa Zamboanga del Norte, suspendido ang klase mula daycare hanggang Grade 12 sa Polanco. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here