Home HOME BANNER STORY #WalangPasok ngayong Miyerkules, Abril 3 sa banta ng tsunami

#WalangPasok ngayong Miyerkules, Abril 3 sa banta ng tsunami

MANILA, Philippines – Dahil sa banta ng tsunami dulot ng naganap na magnitude 7.5 na lindol sa Taiwan nitong Miyerkules ng umaga, Abril 3, nagsuspinde na ang ilang lokal na pamahalaan sa Cagayan ng pasok sa mga paaralan at trabaho.

Hanggang nitong 10:18 ng umaga, inanunsyo ang suspensyon ng pasok dahil sa banta ng tsunami:

– Santa Ana, Cagayan: Lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, maging ang government at private offices.

– Buguey, Cagayan: Pasok sa mga paaralan sa lahat ng coastal barangay kabilang ang Pattao National High School, at Buguey South Central School.

– Aparri, Cagayan: Pasok sa pampubliko at pribadong paaralan.

I-refresh lamang ang post na ito para sa pinakabagong impormasyon kaugnay ng suspensyon ng klase. RNT/JGC