MANILA, Philippines – Naglabas ng tsunami warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa apat na lugar sa Hilagang Luzon kasunod ng magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan.
Ayon sa PHIVOLCS, ang tsunami warning ay nakataas sa
Batanes Group of Islands, Cagayan, llocos Norte, at Isabela.
Sa ulat ng Reuters, tumama ang magnitude 7.4 na lindol sa nasabing bansa.
Nagresulta ito sa pagkawala ng kuryente sa malaking bahagi ng bansa.
Sinabi ng PHIVOLCS na posibleng makaranas ng matataas na tsunami waves ang coastal areas ng Pilipinas na nakaharap sa Pacific Ocean kung kaya’t inaabisuhan ang mga residente na lumikas na agad, partikular na ang mga nasa coastal areas.
“The people in the coastal areas of the following provinces are STRONGLY ADVISED TO IMMEDIATELY EVACUATE to higher grounds or move farther inland,” sinabi ng PHIVOLCS.
“Owners of boats in harbors, estuaries or shallow coastal water of the above-mentioned provinces should secure their boats and move away from the waterfront. Boats already at sea during this period should stay offshore in deep waters until further advised,” dagdag pa nito.
Ang unang tsunami waves ay inaasahang tatama sa pagitan ng 8:33 ng umaga hanggang 10:33 ng umaga.
Magpapatuloy sa loob ng ilang oras ang mga along ito.
Ayon kay PHIVOLCS chief Teresito Bacolcol sa panayam ng DZBB, posibleng “devastating” ang tsunami kung ito ay aabot ng tatlong metro ang taas.
“We advise people living in the coastal areas of Batanes, Cagayan, Ilocos Norte and Isabela to move to higher grounds or move further inland kasi po based on the modelling, puwedeng magkaroon ng one to three meters tsunami waves,” aniya.
“Kung three meters ‘yun, devastating ‘yun,” dagdag ni Bacolcol. RNT/JGC