MANILA, Philippines – Idineklara ang suspensyon ng face-to-face classes sa ilang mga lugar sa bansa ngayong Miyerkules, Mayo 22, 2024 dahil sa matinding init ng panahon.
Inabisuhan ang mga paaralan na lumipat sa asynchronous classes o alternative learning modalities.
Sa mga lugar kung saan hindi tinukoy kung kasama ang mga pribadong paaralan, ang suspensyon ng in-person classes ay nakadepende sa pamunuan ng mga paaralan.
Narito ang mga lugar na #WalangPasok:
Metro Manila
Caloocan City – kinder hanggang senior high school, public
Pasay City – all levels, public at private
Valenzuela City – face-to-face classes sa kinder hanggang senior high school, public at private
Angeles City – all levels, public
Binmaley, Pangasinan – afternoon classes, preschool hanggang senior high school, public at private (hanggang Mayo 28)
Iloilo City – all levels, public at private (Mayo 22-23)
Umingan, Pangasinan – afternoon classes para sa preschool hanggang senior high school, public (hanggang Mayo 31)
I-refresh lamang ang post na ito para sa pinakabagong impormasyon. RNT/JGC