Home NATIONWIDE #WalangPasok sa hagupit ni Bagyong Maymay, habagat

#WalangPasok sa hagupit ni Bagyong Maymay, habagat

1
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase sa ilang lugar sa Luzon sa Miyerkules, Agosto 5, dahil sa mga pag-ulang dulot ng low-pressure area at southwest monsoon o habagat.

Sa Benguet, suspendido ang face-to-face classes mula preschool hanggang senior high school, kabilang ang Alternative Learning System, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Tublay; lahat ng antas sa Atok at La Trinidad; kindergarten hanggang senior high school sa Kibungan; at preschool hanggang senior high school sa Kapangan.

Suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Sablan, kung saan lilipat sa modular learning ang mga paaralan. Sa Baguio City, walang in-person classes mula preschool hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan at gagamit ng alternative delivery modes.

Sa Pangasinan, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Urdaneta, Anda, Infanta, Lingayen, Bayambang, at Calasiao.

Suspendido naman ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Malasiqui, Bolinao, Aguilar, San Carlos, Sual, Bani, Binmaley, Bugallon, Mangatarem, at Santa Barbara. Ang mga paaralan sa mga naturang lugar ay lilipat o pinayuhang lumipat sa alternative learning modes.

Sa Basista, suspendido ang face-to-face classes mula kindergarten hanggang senior high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan at lilipat sa alternative learning modes. Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa Mapandan.

Sa buong lalawigan ng La Union, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Sa Zambales, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Botolan at Cabangan.

Sa Cavite, suspendido ang lahat ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Tanza. Suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Naic, kung saan lilipat sa alternative learning modes ang mga paaralan, at sa Alfonso, kung saan ipatutupad ang modular learning.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, magdadala ang LPA at habagat ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas sa loob ng 24 oras.

Magdudulot ang LPA ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Samantala, magdadala ang habagat ng paminsan-minsang pag-ulan sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro. Magdudulot din ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Antique, Iloilo, Guimaras, at nalalabing bahagi ng Calabarzon at Mimaropa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here