Home NATIONWIDE DOJ, DILG blangko sa umano’y pakakaaresto kay Sen. Bato

DOJ, DILG blangko sa umano’y pakakaaresto kay Sen. Bato

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes, Agosto 4, na wala silang impormasyong nagpapatunay na naaresto si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Inilabas ng mga ahensya ang pahayag kasunod ng mga usap-usapan nitong Martes ng hapon na naaresto na ang dating hepe ng Philippine National Police.

“We cannot confirm that information, at least not yet. Wala pa po kami natatanggap na nangyari ‘yan. ‘Yan lang po masasabi ko ngayon,” ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez.

Sinabi rin ni Interior Secretary Juanito Victor Remulla na wala silang natanggap na impormasyon tungkol sa umano’y pag-aresto.

“Please tell the press corps that as far as the PNP [is concerned] we have no information to that effect,” ani Remulla.

Naglabas ang International Criminal Court ng warrant of arrest laban kay Dela Rosa kaugnay ng kasong crimes against humanity na kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tribunal sa The Hague.

Itinuturing na umano’y magkatuwang sina Duterte at Dela Rosa sa mga kasong crimes against humanity of murder at attempted murder na may kaugnayan sa mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs ni Duterte noong siya ay pangulo at alkalde ng Davao City. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here