MANILA, Philippines- Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang June 24 bilang isang special non-working day sa lungsod ng Maynila para sa pagdiriwang nito ng 454th founding anniversary.
Idineklara ito ni Marcos sa pamamagitan ng Proclamation No. 925.
“[I]t is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” pahayag ng Pangulo sa proklamasyon.
Nilagdaan ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sa awtoridad na iginawad ng Pangulo, nitong June 11, Miyerkules. RNT/SA