Home NATIONWIDE #WalangPasok, Setyembre 17 sa sama ng panahon

#WalangPasok, Setyembre 17 sa sama ng panahon

278
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang klase sa ilang lugar ngayong Miyerkoles, Setyembre 17, 2025, dahil sa masamang panahon at sa nakatakdang nationwide transport strike.

Sa Laguna, wala munang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Sa Quezon, suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa bayan ng Lopez at Tagkawayan. Samantala, sa mga isla ng Polillo, Panukulan, Patnanungan, Burdeos, at Jomalig, kanselado ang klase mula kindergarten hanggang high school.

Inanunsyo naman ng De La Salle Araneta University sa Malabon na lilipat sila sa synchronous online classes mula Setyembre 17 hanggang 19 bilang tugon sa strike. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here