Home OPINION LUNETA RALLY VS EDSA RALLY

LUNETA RALLY VS EDSA RALLY

370
0

MAY ikinasang mga malakihang rally sa Setyembre 21, 2025, Linggo pero magkahiwalay.

Bagama’t magkahiwalay, nauugat at umusbong ito sa iisang pangyayari.

‘Yun bang === korapsyon o/at pandarambong ng matataas na opisyal ng pamahalaan mula Kamara at Senado hanggang Malakanyang na umusok muna sa mga maanomalyang P350 bilyong flood control projects sa unang tatlong taon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Mula naman sa pahayag ni Senador Ping Lacson, mas malaki ang usapin dahil tadtad ng anomalya ang P1 trilyong flood control projects sa administrasyong Marcos at may kabuuang P1.9 trilyon lahat kung isasama ang mga administrasyon – kina Noynoy Aquino at Digong Duterte, batay sa ulat ng Philippine News Agency noong Agosto 20, 2025 (https://www.pna.gov.ph/articles/1257003).

LUNETA RALLY

Sinasabing pangungunahan ang rally sa Luneta ng mga kabataang estudyante na gaganapin sa umaga.

Tinawag ang tema o aksyon ng grupo na “Baha sa Luneta: Aksyon na Laban sa Korapsyon” o “Bilyon People March.”

Kasama rito ang Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance binubuo ng mga organisasyon mula sa kolehiyo at unibersidad sa Taft Avenue (Manila-Pasay), Panatang Luntian Coalition na binubuo ng mga kabataang environmentalist at mga estudyante sa iba’t ibang eskwela.

Inianunsyo naman ng Iglesia ni Cristo na dadalo sa nasabing pagtitipon.

EDSA SHRINE RALLY

Gaganapin naman ang rally sa EDSA Shrine na pamumunuan ng Simbahang Katoliko at simbahang Protestante at tinawag ang kanilang pagkilos na “Trillion Peso March.”

Kasama rito ang Clergy for Good Governance – Metro Manila, Catholic Educational Association of the Philippines at walong iba pang organisasyon at eskwela.

EX-SUNDALO/PULIS AT TSUPER/UP STUDENTS

Nitong Lunes hanggang sa araw na ito, nauna nang nag-rally ang mga ex-general na dating sundalo at pulis at ibang mamamayan sa Kamara.

Pinuntirya nila pangunahin si House Speaker Martin Romualdez at pinagre-resign ito sa harap ng malalaking anomalya, pero umakyat hanggang kay Pang. Bongbong ang kritisismo.

Daan-daang libo namang tsuper, gaya ng mga miyembro ng Manibela at Piston ang magdaraos ng mga rally laban mismo sa pamahalaan, partikular laban kina Romualdez, Marcos at maraming kongresman at taga-DPWH.

Nagkaroon din ng rally ng libo-libong estudyante nitong nakaraang Biyernes sa UP Diliman campus.

Hindi naman malinaw kung kaninong rally sasali ang mga ex-general, tsuper at UP student…kung sa Luneta o sa Edsa Shrine…kung sasali sila.

Kaugnay nito, may malakihan ding mga rally sa Cebu City, Davao City at iba pa ngunit hindi pa malinaw kung kaninong rally sa Luneta at Edsa Shrine nila iuugnay ang kanilang mga sarili.

JOSE RIZAL VS NINOY AQUINO

Ang pagpatay pambansang bayani Dr. Jose Rizal noong 1986 ang nagsilbing mitsa ng Rebolusyong Katipunan simula noon.

Ang pagpatay naman kay dating Senador Ninoy Aquino na itinuring ding bayani naman ang naging mitsa ng 1986 Edsa Revolution.

Setyembre 21, 1972 naman nang ideklara ng martial law ni ex-Pres. Ferdinand Marcos na inilibing sa Heroes Cemetery?

Bakit kaya pinili ang mga rally na idaos sa Setyembre 21 sa Luneta at Edsa at bakit kaya magkahiwalay ang grupo sa kabila ng iisang isyung korapsyon at pandarambong ang kanilang nilalabanan?
Hmmm!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here