Home METRO #WalangTubig sa ilang bahagi ng QC, Valenzuela sa Aug. 12-13

#WalangTubig sa ilang bahagi ng QC, Valenzuela sa Aug. 12-13

MANILA, Philippines- Makararanas ang ilang lugar sa Quezon City at Valenzuela City ng water service interruptions sa susunod na linggo dahil sa scheduled maintenance activities.

Magsasagawa ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services Inc ng leak repair at maintenance activities sa North C Annex Pumping Station nito sa Quezon City mula alas-12:01 ng madaling araw ng Agosto 12, Lunes, hanggang alas-4 ng madaling araw ng Agosto 13, Martes.

Pinayuhan ang mga apektadong kustomer na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig sa kasagsagan ng service interruption. Pinaalalahanan din sila na hayaan munang dumaloy ang tubig hanggang maging malinaw kapag nanumbalik na ang serbisyo.

Narito ang mga apektadong lugar: 

Quezon City

  • Bagbag

  • Bagong Silangan

  • Batasan Hills

  •  Commonwealth

  • Greater Fairview

  • Gulod (Belen, Good Haven, Marianito, Masaya, Nenita, Quirino Highway, San Pablo, Susana)

  • Holy Spirit

  • North Fairview

  • Payatas

  • San Bartolome

  • Sauyo (BIR Subd., Franco, Greenview 1, 2, at 3, Executive Village, Mindanao Avenue, Pascualler, Quirino Highway, Rolling Meadowns 1 at 2, Sauyo Road, Sauyo Palengke, Victorian Heights Subd.)

  • Sta. Lucia

  • Sta. Monica (Palmera 4 Subd)

  • Talipapa (Apahap, Bagbag Creek, Biya, Delos Santos, Marigold Subd., Pasong Tamo River, Piko, Villa Sabina Subd.)

Valenzuela City

Ugong (Hobart Village 2 at Dona Marciana Subd.) RNT/SA