MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga estudyante at kabataang grupo upang muling kalampagin ang gobyerno kaugnay sa nangyayaring anomalya at katiwalian sa bansa partikular ang flood control project.
Nagwalk-out ang mga estudyante mula sa ibat-ibang unibersidad sa Maynila para labanan ang korapsyon, at ipaglaban ang kanilang karapatan sa edukasyon.
Panawagan din ng mga nag-rally na panagutin ang lahat ng korap at ikulong ang mga kurakot.








