Home METRO Wanted person ng Ilocos nakorner sa Kyusi

Wanted person ng Ilocos nakorner sa Kyusi

ILOCOS SUR-Swak sa kulungan ang isang 43-anyos na lalaki matapos maaresto sa Aurora Boulevard, Kaunlaran, Quezon City, Metro Manila nitong Huwebes, Hunyo 6, dahil sa kinahaharap nitong kaso sa korte na 3 counts ng Qualified Rape.

Ang akusado na ahente ng travel and tour for tourist visa, may asawa, residente ng San Emilio, Ilocos Sur ay inaresto ng mga personnel ng San Emilio Municipal Police Station (lead unit), ISPIU at PS7, Quezon City PD sa bisa ng warrant of arrest na may petsang June 3, 2024 na pirmado ng Presiding Judge ng Family Court, First Judicial Region, Branch 9, Narvacan, Ilocos Sur.

Walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa akusado. Rolando S. Gamoso