Home METRO Wanted rapist, arestado sa Zambales

Wanted rapist, arestado sa Zambales

160
0

ZAMBALES, Philippines – Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isang lalaki na Top Most Wanted Person (MWP) sa patung-patong na kaso ng panggagahasa at iba pang sekswal na pang-aabuso, matapos masukol at makorner ito sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Sitio Pook-Aso, Barangay Canaynayan, Sta. Cruz.

Batay sa ulat ni Zambales Police Director Col Benjamin P.Ariola Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess B.Mendez.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas “Dario”, 34 anyos at residente sa naturang lugar.

Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte na isang Top 1 Most Wanted Person Regional Level na akusado ng 2 counts of Qualified Rape to minor (no bail), 2 counts of Rape by Sexual Assault sa ilalim ng Child Abused Law at Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek para sa dokumetasyon at tamang disposisyon. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here