Home METRO Wanted sa estafa, carnapping nasakote sa online live selling

Wanted sa estafa, carnapping nasakote sa online live selling

241
0

MANILA, Philippines – Naaresto sa Lubao, Pampanga ang isang lalaking wanted sa kasong estafa at carnapping matapos siyang makilala ng mga awtoridad sa isang online live-selling video.

Natukoy siya sa pamamagitan ng hugis ng mukha at tattoo sa braso kahit nakasuot ng mask, sumbrero, at salamin.

Inaakusahan ang suspek ng panloloko sa pagbebenta ng anime figurines na nagkakahalaga ng ₱800,000 hanggang ₱900,000 gamit ang mga tsekeng tumalbog, na may hindi bababa sa 40 biktima.

Isang complainant mula Australia ang nagbigay ng ebidensya at sinabing tumigil sa pakikipag-ugnayan ang suspek matapos bumagsak ang mga tseke.

Hinikayat ng PNP-HPG ang iba pang biktima na makipag-ugnayan sa kanila.

Samantala, iginiit ng suspek na nakausap na niya ang isa sa mga complainant at nangakong aayusin ang kaso. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here