Home METRO Wanted sa kasong Child Abuse, huli sa e-warrant system ng Police Clearance sa...

Wanted sa kasong Child Abuse, huli sa e-warrant system ng Police Clearance sa Valenzuela

205
0

MANILA, Philippines – Di nakalusot sa e-warrant system ng National Police Clearance Section ng Valenzuela City ang lalaking wanted sa kasong child abuse sa lalawigan ng Sorsogon matapos itong maaresto sa Valenzuela, kahapon napaulat.

Ang 30-anyos na akusado, residente ng Brgy., Canumay West ay pansamantalang nasa kustodiya ng Custodial Facility Unit ng Valenzuela City Police Station habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

Sa ulat, bandang alas-2:00 ng hapon nang magtungo sa National Police Clearance Section (NPCS) sa Valenzuela CPS sa Brgy. Malinta ang akusado para mag-apply ng police clearance na gagamitin niya sa pag-apply ng trabaho.

Gayunman, nang biripikahin sa e-warrant system ang pangalan ng akusado ay nadiskubreng may standing warrant of arrest ito na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 54, Gubat, Sorsogon, noong September 16, 2025 para sa paglabag sa Section 10 (A) ng R.A. 7610 – Anti-Child Abuse Law na na may inirekomendang piyansa na P80,000.

Sa tulong ng Warrant and Subpoena Section (WSS), isinagawa ang pagsilbi sa akusado ng naturang warrant of arrest na nakadokumento gamit ang Body-Worn Camera. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here