Home METRO Wanted sa rape sa Bicol, laglag sa Malabon

Wanted sa rape sa Bicol, laglag sa Malabon

233
0

MANILA, Philippines – Huli ng pulisya ang isang lalaki na wanted sa kasong panggagahasa sa kanilang lalawigan sa Bicol matapos matunton sa kanyang pinagtataguan sa Malabon City.

Isinagawa ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Allan Umipig ang pagaresto kay alyas “Alarcon”, 42, tubong Ligao City Albay nang makarating sa kanila ang impormasyon na nagtatago sa kanilang lungsod ang pugante.

Dala ng mga tauhan ng Station Intelligence Section ng Malabon police ang warrant of arrest na inilabas noon pang Enero 12, 2009 ng Ligao City Regional Trial Court (RTC) Branch 12 agad na natunton ng pulisya.

Hindi naman nakapalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng pulisya ang arrest warrant sa tinutuluyan niyang bahay sa Sitio 6, Dumpsite, Brgy. Catmon dakong alas-7:50 ng gabi para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantala nakakulong ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon Police Station habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here