Manila, Philippines — Isa sa mga ’di mapapalampas na detalye sa recent civil wedding nina Bea Alonzo at Vincent Co ay ang suot-suot ng aktres sa kanyang kaliwang ring finger o palasingsingan.
Ayon sa PEP, nakipag-ugnayan ito sa dalawang source.
Isa rito ay taong nakatrabaho ni Bea na nagsabing: “It’s from Tiffany. In white gold. It has diamonds.”
The source identified the ring as the Tiffany & Co. Tiffany T True Wide Ring in white gold and pavé diamonds.
Eighteen-karat white gold iyon at set with round brilliant diamonds na may total carat weight na 0.99.
Ayon sa website ng naturang brand, nagkakahalaga iyon ng US$9,800 o P560,000 batay sa current exchange rate.
Batay sa mga litratong ibinahagi mismo ni Bea, malinaw na Tiffany & Co. Tiffany T True Wide Ring nga ang suot niya.
Samantala, nakumpirmang nilagdaan ng couple ang prenuptial agreement nang walang kontrobersiya.
Itinuturo kasi itong dahilan kung bakit nagkaroon ng mga postponement sa kanilang kasal. (Ronnie Carrasco III)