ILOCOS NORTE – Swak sa kulungan ang isang 31-anyos na welder matapos makumpiskahan ng 300 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang response operation ng mga awtoridad sa Brgy. 3 San Ildefonso, San Nicolas ng lalawigang ito kahapon, Pebrero 18.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay residente ng Dingras, Ilocos Norte, identified bilang high-value individual.
Ang operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa mula sa PPDEU (lead unit), PIU, RID, PDEA RO1 at San Nicolas MPS bandang 1:17 ng madaling-araw.
Tatlong ice bag at tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Tinatatayang nagkakahalaga ito ng P2,040,000
Bukod sa hinihinalang shabu, may mga nakumpiska rin ang mga awtoridad na non-drug evidence.
“This arrest is a significant step in our relentless campaign against illegal drugs. We are sending a clear message that the PRO 1 will not allow illicit activities to thrive, particularly during this crucial time when we are working to ensure a peaceful and orderly election,” ang pahayag ni Police Brig.Gen. Lou F. Evangelista, Regional Director ng PRO1 kaugnay sa matagumpay na pagkakaaresto sa naturang suspek.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng suspek. Rolando S. Gamoso