Home METRO Welder nakuryente, todas!

Welder nakuryente, todas!

ILOCOS SUR- Tigok ang isang 30-anyos na welder matapos makuryente habang gumagawa ng steel trusses sa isang rest house sa Brgy. Otol-patac, San Ildefonso ng lalawigang ito kahapon, Pebrero 2.

Kinilala ng San Ildefonso Municipal Police Station ang biktima na si Arnie Espejo y Lagasca, residente ng naturang lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon, ang biktima kasama ang tatlo niyang co-workers ay gumagawa ng steel trusses sa rest house na pag-aari ng isang doktora.

Nang umakyat sa rooftop ang biktima, sinabihan niya ang kanyang mga kasama na bumaba na para ihanda ang kanilang meryenda.

Habang hinihila ng biktima ang isang tubular steel, aksidenteng natamaan nito ang live wire malapit sa atip ng bahay kaya nakuryente siya.

Ang biktima ay agad na isinugod sa ospital ng kanyang mga kasama.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso