CITY OF ILAGAN, Isabela- Sa kulungan ang bagsak ng barangay kapitan matapos mahulihan ng droga at baril sa ikanasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Ilagan Component City Police Station (ICCPS) sa Barangay Cabisera 14-16, City of Ilagan, Isabela.
Sa ipinarating na ulat ni PLtCol. Jeffrey Raposas, hepe ng Ilagan City Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, ang suspek ay kinilalang si Joseph Uy Jr., 39-anyos, Barangay Kapitan/Chairman ng nasabing lugar.
Narekober sa pag-iingat ng nasabing barangay kapitan sa operasyon ay isang (1) pirasong transparent plastic sachet na may laman ng hinihinalang shabu na may halagang P6,800; anim na libong piso; 9mm armscor na may magazine at siyam (9) na na bala; at isang puti na Montero SUV.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comelec Gun Ban. Rey Velasco