MANILA, Philippines – Buwena-manong naghain sa huling araw ng COC filing para sa 2025 elections si Peter Advincula o mas kilala sa alyas Bikoy matapos tumakbong independent candidate para sa pagka-senador sa Manila Hotel Tent City.
Inilatag ni Bikoy ang kanyang plataporma kung papalarin siya sa Senado kung saan una niyang gagawin na magkaroon ng reporma sa mga piitan sa bansa.
Sinabi ng whistler blower na nararapat nang baguhin ang sistema ng gobyerno sa mga kulungan dahil walang nangyayaring pagbabago kung dapat na gabayan ang mga PDL hanggang sa sila makalaya at makapag-bagonb buhay.
Una rin naghain ng Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) sa last day ng filing ng COC ang Kababaihan partylist sa pangunguna ni Kate Coseteng.
Isa sa mga adhikain ng nasabing partylist ay ang kapakanan ng mga kababaihan na nababalewala ang karapatan.
Sa usapin naman ng diborsyo, suportado nila ito pero depende ito sa kondisyon kung saan maaari rin naman daw isagawa ang aborsyon kung kalusugan ng kababaihan ang nakasalalay. Jocelyn Tabangcura-Domenden