Home NATIONWIDE WHO aminado, pahirapan sa pagsugpo sa Ebola outbreak

WHO aminado, pahirapan sa pagsugpo sa Ebola outbreak

3
0

CONGO – Aminado ang World Health Organization (WHO) na bagamat maagap ang kanilang pagtugon ay nauunahan pa rin sila ng Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo at Uganda.

“Sa kabila ng magandang progreso na ating nagawa, marami pa rin tayong hinaharap na malalaking hamon, at patuloy na nauunahan ng outbreak ang pagtugon,” sabi ni World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang press conference.

Idinagdag niya na mababa pa rin ang pandaigdigang panganib mula sa Ebola outbreak, pero nanawagan siya na lalo pang paigtingin ang mga hakbang para pigilan ang pagkalat ng bihirang Bundibugyo strain ng virus.

Ayon kay Tedros, hindi sapat ang contact-tracing, kulang ang kapasidad sa paggamot, at nananatiling malaking hamon ang ligtas na paglilibing, habang nasa ilalim ng pressure ang health system,” sabi ni Tedros sa mga reporter.

Ang epicenter ng Ebola outbreak ay nasa Congo, kung saan naitala ang 1,094 na confirmed cases, kabilang ang 277 na pagkamatay.

Ang Uganda naman ay may 20 confirmed cases at dalawang pagkamatay.

Sinabi naman ng isang senior WHO official noong Martes na ang outbreak na ito ang may pinakamaraming confirmed cases sa unang buwan kumpara sa alinmang naitalang kaso ng sakit noon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here