Home NATIONWIDE WHO: Paninigarilyo maaaring makabawas ng tyansa ng pagbubuntis

WHO: Paninigarilyo maaaring makabawas ng tyansa ng pagbubuntis

2
0

MANILA, Philippines – Maaaring mabawasan ang tyansa ng pagbubuntis ang paninigarilyo habang maaari ring magdulot ng panganib para sa mga babae at lalake ang second-hand smoke, ayon sa World Health Organization o WHO.

Sa isang bagong ‘knowledge summary’, sinabi ng WHO na ang paggamit ng tabako ay nauugnay sa kawalan ng abilidad na magkaanak sa mga babae at may masamang epekto sa semilya at sexual function ng mga lalaki.

Sa pag-aaral mula 2000 hanggang 2026, natuklasan na ang mga babaeng kasalukuyang naninigarilyo ay may 40 porsyentong mas mataas na panganib ng infertility kumpara sa mga hindi naninigarilyo.

Ang mga huminto na sa paninigarilyo ay maaaring may 25 porsyentong mas mababang panganib kumpara sa mga patuloy na naninigarilyo.

Para naman sa mga lalaki, isang review ng 44 na pag-aaral na may mahigit 60,000 kalahok ang nag-ugnay sa paninigarilyo sa mga problema sa reproduksyon, kabilang ang abnormalidad sa semilya, erectile dysfunction, at problema sa paglabas.

Maaari rin daw bawasan ng paninigarilyo ang bisa ng assisted reproduction, kabilang ang in vitro fertilization, kung saan inihihiwatig ng mga pag-aaral na maaaring bumaba ng halos kalahati ang tsansa ng tagumpay.

Ayon sa UN health agency, sa buong mundo, isa sa anim na tao na nasa reproductive age ang nakararanas ng infertility sa isang punto sa kanilang buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here