Home ENTERTAINMENT Will, huling-huli, uminit ang ulo sa kampanya!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Will, huling-huli, uminit ang ulo sa kampanya!May 5, 2025 13:08 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Hulicam!Hindi maaaring magsinungaling ang video kung saan makikitang nangangampanya si Willie Revillame.Tumatakbong senador ang TV host.Lulan si Willie na sasakyan o motorcade na nag-iikot sa ‘di malamang lugar na matao.Kasama niya ang llang mga supporters niya habang namamahagi ng mga jacket sa mga taong dinadaanan ng motorcade.Pero kapansin-pansin na na-high blood si Willie.Nakabusangot kasi ito at galit na pinaghahampas ang mga kamay ng mga botanteng nakikiamot sa mga ipinamimigay niyang jacket.Mapapansing sumasabay sa init ng ulo ni Willie ang mainit na panahon.Ipinost ng talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz ang video na ‘yon.Kalakip ng video na ‘yon ay ang palala ni Ogie na maging alisto ang mga tulad ni Willie na posibleng kinukunan ng mga netizens.Hindi raw tamang pinairal ni Willie ang init ng kanyang ulo lalo’t nanliligaw siya ng mga boto sa kanyang election bid.Maaari daw ikatwiran ni Willie na nagpapakatotoo lang siya sa kanyang inasal, pero sana raw ay nasa lugar ito.Dahil sa ginawa ni Willie’y naungkat tuloy ang pamamahiyang madalas nitong gawin sa kanyang program staff kahit on air.Hala ka, Willie! Ronnie Carrasco IIi