Home ENTERTAINMENT Willie at Cristy, nagkaayos na!

Willie at Cristy, nagkaayos na!

Manila, Philippines – Seems like the dust has already settled.

Ang tinutukoy namin ay ang pag-aayos nina Willie Revillame at Cristy Fermin.

Magugunitang nagkaalitan ang dalawa nang manumbat ang TV host sa mismong programa niyang Wowowin sa AllTV.

Pinaratangan ni Willie si Cristy na sinabi raw nito on air na mayabang siya.

Giit ni Cristy, obyus na hindi napakinggan at napanood ni Willie ang kabuuan ng episode ng Cristy Ferminute sa Radyo Singko.

Isinumbat din ni Willie ang regalo niyang sasakyan kay Cristy sa kaarawan nito.

Idinamay rin ni Willie ang condo unit na ibinigay niya sa beteranong manunulat sa Wil Tower.

Ngayon, obyus na nagkapatawaran na ang dalawa.

Base ito sa latest episode ng Showbiz Now Na kung saan ibinalita ni Cristy ang series of shows ni Willie sa US, na ngayon ay kanselado na.

Matatandaang ilang buwan na ring hindi napapanood ang Wowowin sa AllTV.

Natigil na rin ang pagpapalabas nito sa Facebook live.

At dahil nakatengga si Willie ay marami raw pisikal na pagbabago sa kanya.

Tumaba raw ito at lumaki ang tiyan. Nangitim at humaba rin daw ang buhok.

Ayon kay Cristy, madali lang naman daw solusyunan ‘yon.

Magdiyeta kung tumaba, magpagupit kung mahaba ang buhok at huwag magbilad sa araw sa resort nito sa Puerto Galera para hindi mangitim.

Nagpapasalamat naman ang mga SNN viewers dahil maayos na uli ang relasyon nina Cristy at Willie.

Pero maitatanong lang: sa anong TV network kaya nakikipagtransaksyon si Willie para sa paglipat ng Wowowin? Ronnie Carrasco III

Previous articleChavit, sinabing naubos ang kabang-yaman ni Pacman!
Next articleIPAGDIWANG MATATATAG NA ALYANSA