Home ENTERTAINMENT Willie, dalawa ang programa, balik-TV5 na!

Willie, dalawa ang programa, balik-TV5 na!

Manila, Philippines – Not just one, but two!

Ito ang bilang ng mga programa ni Willie Revillame sa kanyang pagbabalik sa TV5 bago matapos ang 2025.

’Yun nga lang, ang nakasanayan nang Wil to Win ay magiging Wowowin ang pamagat.

Magiging ka-back-to-back nito ang pangalawa niyang show—ang Wilyonaryo.

Bale si Willie ang nakaisip ng pamagat nito kung saan binaligtad na “M” ang beginning letter nito.

The good news is that isang milyong piso ang nag-aabang na papremyo ng Wilyonaryo.

Kasabay nito’y bago na rin ang studio na gagamitin ng dalawang programa.

Ito’y ang W Studio sa Mandaluyong City kung saan moderno at state-of-the-art ang mga pasilidad.

Dalawa ang mga kasosyo rito ng TV host—sina Manny V. Pangilinan, na may-ari ng TV5, at dating Galing sa Puso party-list Rep. GP Padiernos.

Matatandaang lumiban si Willie sa Wil to Win noong tumakbo siyang senador nitong May 12 midterm elections.

While out of circulation, tinutukan ni Willie ang kanyang hotel resort sa Puerto Galera.

Willie’s TV comeback is welcome news para sa kanyang mga tagasubaybay.

— Ronnie Carrasco III