Manila, Philippines — For the longest time during and after years of pandemic ay muli namin nasilayan in person ang TV host-aktor na si Willie Revillame sa preskon ng bago niyang show na “Wilyonaryo,” at mapapanood simula sa January 25, dalawang araw bago ang 65th birthday niya, sa official website ng programa na wilyonaryo.com.
Yes, 65 na pala ang mahusay na TV host this coming January 27, 2026. Pero bakit tipong hindi siya tumatanda at ang tikas pa rin ng kanyang pangangatawan?
Kaya naman ang unang tanong ni yours truly kay Willie, “Sabi mo 65 years old ka na. But as I laid my eyes on you now, you look only at your late 30s. Ano’ng sikreto mo as younger looking, dahil ba isa ka nang milyonaryo ngayon?”
Masayang sinagot naman ng mahusay na TV host-aktor na si Willie ang tanong with matching loud laughter on the side at naging dahilan ng tawanan ng madlang press pipol.
Pabirong sagot ni Willie: “Tanggalin mo ’yung shades mo.” (sabay halakhak niya)
Dagdag na sagot ni Willie, “It’s not about the money, it’s about under your mind, may peace of mind kasi ako, kasi wala akong tinatago, wala akong ninanakaw, wala akong niloloko. ’Yun ang kayamanan ko sa ngayon.”
Tanong pa ni yours truly, “Meron akong nakita sa social media na meron ka daw syota as in girlfriend na nag-uumpisa sa letter W ang name, how true?”
Sagot ni Willie, “Wala akong girlfriend, kung may girlfriend ako papaalam ko sa’yo, ikaw lang mag-isa at ihaharap ko sa’yo at sasabihin ko sa’yo, ‘oh Ms. Mercy okay na ba sa’yo to?’
“Wala akong girlfriend, wala akong karelasyon, hindi totoo ’yun, alam mo ang hirap pag nag-picture ka sasabihin girlfriend mo, in-encircle lang sasabihan nang hindi na maganda.
“Ang hirap kaya pag nagpapa-picture lagi akong naka-ganyan (at nag-muestra na magkahawak ang kamay niya) pero pag lola hindi ako binabash kaya mahirap talaga ang social media.”
In fairness, nakakapagpabata pala talaga ang peace of mind at sa pagkakaalam ni yours truly ay wala ring bisyo si Willie, hindi siya naninigarilyo at hindi umiinom ng alak at lalong never siyang tumikim ng drugs.
Kaya naman ang sey ko na lang, “Thank you Willie, nice to see you again.”
Saad ni Willie habang naka-smile, “Thank you Mercy, love ko ’yan.”
Sa panayam ay tinanong si Willie kung totoo na nagkaroon sila ng relasyon ng dancer-aktres na si Sugar Mercado, na tumagal din ng seven years.
Saad ni Willie, “Napamahal na sa akin ang mga anak ni Sugar, parang naging mga anak ko na rin sila. Kasi hindi ko naman nakakasama mga anak ko, du’n ako nabaling, sa mga anak niya.
“So, doon ako nag-enjoy kasama mga bata, bino-blower ko ’yung mga anak niya. Naging ano ’ko talaga, totoo naman ’yun, hindi ako magdedenay diyan. Hindi naman dapat idinedenay ang totoo.
“Kaya lang, it just that, siguro hindi talaga kami para sa isa’t isa. Pero ’yung talagang nagpasaya sa akin nu’n… si Sugar at saka ’yung mga anak niya, kasi nga hindi ko na kasama ang mga anak ko. Parang naging happy ako nu’ng makasama ko ang mga anak niya.
“’Yun bang parang nangulila ako sa mga anak ko, parang du’n ako naano… alam naman ng mga anak ko yan. Tsaka hindi naman selosa mga anak ko. Kasi nakita rin nila na naging masaya ako at naging fair naman ako sa kanila.
“Okay lang ’yun, tsaka hindi mo dapat dinedenay ang naging karelasyon mo, kawawa naman ’yung babae. Totoo naman ’yun, hindi ako ganu’ng klaseng tao na magdedenay.”