Home ENTERTAINMENT Willie, tahimik na ipinagluksa ang ina!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Willie, tahimik na ipinagluksa ang ina!May 6, 2025 14:24 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Noon pa pala sumakabilang-buhay ang ina ni Willie Revillame.Anim na taon ding nakaratay sanhi ng aneurysm si Ginang Myrna Buendia.May personal caregiver ito.Si Aling Myrna–who would have turned 80 this May 24–ang kasama ni Willie sa kanyang tirahan.May 1–unang buwan mula nang pumanaw si Ginang Buendia–ay hindi muna nangampanya si Willie.Tumatakbong senador ang TV host.Sa halip ay umuwi siya ng Cabanatuan City, Nueva Ecija para gunitain ang namayapang ina.Tahimik lang na ipinagluksa ni Willie ang pagkawala ng ina who he credits for teaching him how to navigate life.Si Willie ay panganay sa anim na magkakapatid.April 4 naman noong ipina-cremate ang mga labi ng kanyang ina, na nagkataong kaarawan ng kanyang amang si Engr. Honorio Revillame.Naniniwala si Willie na ginagabayan siya ng kanyang ina at inaalalayansa mga ninanais niyang matupad sa buhay.Tiyak na suportado ng ina ang senatorial bid ng anak.Sa May 10 nakatakda ang huling araw ng kampanya para sa halalan sa May 12, Lunes. Ronnie Carrasco III