Home ENTERTAINMENT ‘Wish ko lang,’ inokray sa kalaswaan!

‘Wish ko lang,’ inokray sa kalaswaan!

Manila, Philippines – Has the format of Vicky Morales’ Wish Ko Lang on GMA changed?

Ito ngayon ang nagkakaisang tanong ng mga netizen makaraang mapansin nila ang teaser ng recent episode nito.

Bordering on “kalaswaan” daw kasi ang panghalinang teaser–bagay for which WKL is not known for.

Nakatatak pa rin kasi sa mga manonood ang format nito kung saan may iniwang aral ito sa bawat kuwentong tinatalakay ng programa.

Partikular na inokray ng mga netizen ang nagtutumiling teaser ng recent episode nito na: “Mister nagkukunwaring nagsisimbang gabi para tumikim ng bibingka!”

Kumalat ito sa social media.

Dahil umani ng pang-aalipusta ang WKL ay napilitan silang baguhin ito.

Wala nang salitang “bibingka.”

The teaser was changed to: “Mister nagkukunwaring nagsisimbang gabi para mambabae!”

Gayunpaman, naisambulat na ng mgs netizens ang kanilang pagkadismaya.

Napapansin din kasi nilang ilang linggo nang nagiging “malaswa” ang mga ineereng teaser ng WKL.

They can’t help but compare WKL then na “wholesome” ang dating.

Although sa bandang hull’y kapupulutan pa rin ng aral ang bawat kuwento nito’y nami-miss ng

maraming netizens ang dating format nito.

Paano raw nakaligtas ‘yon sa MTRCB?

May sanctions daw bang dapat kaharapin ang isang programang nasa News & Current Affairs pa mandin?

Can’t the GMA news department regulate itself?

Kallangan pa raw bang pumalag ang mga netizens bago magising ang WKL?

Hirit nga ng isang manonood: “Wish ko lang, eh, ibalik ng Wish Ko Lang ang kinasanyan ng tao!” Ronnie Carrasco III