Home NATIONWIDE WPS t-shirt, ipinagtanggol ni Zubiri: ‘Atin ang West Philippine Sea’

WPS t-shirt, ipinagtanggol ni Zubiri: ‘Atin ang West Philippine Sea’

MANILA, Philippines- Matindi ang mensaheng ipinahahatid ng t-shirt na isinuot ng ilang mambabatas sa ginanap na laro ng Gilas Pilipinas laban sa China sa 2023 FIBA Basketball World Cup nitong Sabado na nagsasabing pag-aari ng Pilipinas ang naturang karagatan, pagtatanggol ni Senate President Juan Miguel Zubiri .

Sinabi ni Zubiri na dapat maipakita sa China na hindi papayag ang mga Pilipino na i-bully sa sariling karagatan habang nagpapakita ng suporta sa Gilas Pilipinas.

“We showed the bully in the North that we shall not be allowed to be bullied in our own home and that we rallied together as a Nation to pray and cheer for our Team Gilas!” ayon kay Zubiri.

“We may not have won any of our games for the world championships but this win was the sweetest of all. Nagpalabas sila ng 10-dash line so itong pagsuot ng t-shirt is a statement na atin ang West Philippine Sea,” giit pa niya.

Tinutukoy din ng bagong mapa na ipinalabas ng China na nagsasabing mayroon silang ten-dash line taliwas sa naunang nie-dash line, sa buong South China Sea na naglalagay sa Taiwan kabilang ang Indian state of Arunachal Pradesh sa national boundaries nito.

Isa ang Pilipinas na nagbabasura sa bagong mapa ng China.

Nagwagi ang Gilas Pilipinas, sa pangunguna ni Jordan Clarkson na naka-34 points, sa ginanap na laro laban sa China, sa 2023 FIBA Basketball World Cup kaya’t ibinalandra ng Pilipinas ang China, 96-75, nitong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Senator Bong Go na pawang “morale-boosting win for every Filipino,” ang laro laban sa China.

“Nais lang namin ipakita sa pamamagitan ng T-shirt na iyon ang aming pakikiisa at walang tigil na suporta sa ating koponan at sa buong sambayanang Pilipino. Atin ang West Philippine Sea, atin rin ang panalong ito!” giit niya.

Inihayag naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, na inihahandog ang pagkapanalo ng Gilas Pilipinas sa lahat ng Filipino partikular sa mangingisda na ginigipit ng China sa WPS.

“We wore that shirt to awaken the patriotic spirit of our Gilas Pilipinas and motivate them to exhaust all their remaining talents, skills and teamwork in order to secure the victory which is symbolic for us Filipinos in light of the recent developments in the West Philippine Sea,” aniya.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Senator Joel Villanueva sa pagkapanalo.

“Most important basketball game of the year! It feels like we won the championship!! Our Gilas fought well, like each and everyone of them knows the story of Ayungin, Recto Bank, Pag-asa island, etc.,” aniya. Ernie Reyes