MANILA, Philippines- Tinataya ng Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD) na lalago ng 5.6 porsyento ang Philippine economy ngayong taon.
“A key growth driver in the second half of 2023 will be a strong rebound in government spending, from its 7.1 percent contraction in the recent quarter, executed through catch-up plans and frontloading of programs and projects,” anang OECD sa Economic Outlook for Southeast Asia, China, and India 2023 Update na inilabas nitong Linggo.
Bahagya itong mas mababa sa naunang pagtataya na 5.7 porsyento.
Subalit, ang Pilipinas ang may pinakamataas na economic growth projection sa member countries ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN-5).
Sa pagtataya ng OECD, lalago ang ekonomiya ng Indonesia ng 4.7 porsyento ngayong taon, Malaysia ng 3.9 porsyento, Thailand ng 2.8 porsyentp at Vietnam ng 4.9 porsyento.
Bagama’t patuloy ang pagbagal ng headline inflation, sinabi ng OECD na nananatiling “elevated” ang core inflation.
Hanggang nitong Hulyo, bumaba ang headline inflation sa 16-month low na 4.7 porsyento habang ang core inflation, saklaw ang volatile oil at food items, ay pumalo sa 6.7 porsyento.
“Upside risks to inflation remain, such as the looming threat that El Niño will impact agriculture output, wage increases in the urban sector and the lingering restrictive policy stance of the US Federal Reserve (the Fed) and the European Central Bank (ECB),” pahayag ng OECD.
Para sa 2024, inaasahan ng OECD ang paglago ng Philippine economy ng 6.1 porsyento. RNT/SA