MANILA, Philippines – Opisyal nang pinapayagan ng X, dating Twitter, ang mga X-rated content sa plataporma.
Ang bagong panuntunan na iniulat ng Tech Crunch nitong Lunes, Hunyo 3, ay pumapayag sa mga user na magbahagi ng adult content “as long as it is consensually produced and distributed adult nudity or sexual behavior.”
Sinabi ng X nitong weekend na, “sexual expression, visual or written, can be a legitimate form of artistic expression.”
Sa ilalim ng bagong polisiya, naaayon sa panuntunan ang pagpopost ng adult contents basta’t ito ay naka-label ng maayos at hindi ‘prominently displayed’ katulad ng profile picture o account banners.
Ang mga account na regular na nagpopost ng adult content ay oobligahin na markahan ang kanilang mga larawan at video ng ‘sensitive content.’
Ipagbabawal naman ang adult content sa mga users na tinukoy bilang mga bata, o mga adult users na piniling hindi ito tingnan.
Sakop din ng polisiya ang AI-generated content, animations, cartoons, hentai at anime. RNT/JGC