Home HOME BANNER STORY P3.4M shabu nasamsam sa 3 Chinese sa Angeles buy-bust

P3.4M shabu nasamsam sa 3 Chinese sa Angeles buy-bust

MANILA, Philippines – Naaresto ang tatlong Chinese national sa isinagawang buy-bust operation sa Timog Park Subdivision, Angeles City, Pampanga nitong Martes, Hunyo 4.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Pampanga, ang mga suspek ay kinilalang sina Liao Hong Tao, 31, male; Li Guo, 37, at Wan Li, 41.

Nakuha mula sa suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon, at Sports Utility Vehicle at cellphone na pinaniniwalaang ginagamit din sa Philippine Offshore Gaming Operations.

Sinabi ng PDEA na ang mga suspek ay isang taon nang nasa bansa at sangkot sa distribusyon ng illegal na droga sa mga POGO worker.

Mahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. RNT/JGC