Home HOME BANNER STORY Tigil-pasada itinakda ng Manibela sa Hunyo 10 ‘gang 12

Tigil-pasada itinakda ng Manibela sa Hunyo 10 ‘gang 12

MANILA, Philippines – Nagtakda ng panibagong tigil-pasada ang transport group na Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela) sa susunod na linggo bilang protesta sa panghuhuli sa mga unconsolidated jeepney.

Ayon sa Manibela, ang tatlong araw na tigil-pasada ay mula Hunyo 10 hanggang 12, 2024.

Sa hiwalay na report, sinabi ni Christian Maño na magpoprotesta ang grupo sa harap ng opisina ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Matapos ang April 30 deadline, nanghuhuli na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng unconsolidated public utility vehicles (PUVs) ng mga prangkisa na binawi na o napasok nang hindi makatugon sa consolidation.

Ang consolidation ng PUVs ay bahagi ng initial stage ng PUV Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan, kung saan ang mga jeepney operator at drayber ay dapat na mag-consolidate sa kooperatiba o korporasyon upang hindi bawiin ang kanilang prangkisa o permit.

Ang PUVMP ay nagsimula noong 2017 na layong palitan ang mga jeepney ng Euro 4-compliant na makina upang mabawasan ang polusyon. RNT/JGC