Manila, Philippines – Pangmayaman man ang kanyang apelyido, pero badly in need ngayon ang social media personality na si Xander Ford ng mapagkakakitaan.
In short, kailangan niya ng raket.
Kumakatok si Xander sa GMA Network na kung maaari’y alukin siya ng trabaho.
Kasabay ito ng kanyang Facebook post with matching photo taken inside the network premises.
Saad niya, nananawagan siya ng trabaho kahit daw bilang komedyante.
Xander’s appeal drew varied reactions from the netizens.
Ang ilan ay hindi nagkagusto sa kanyang tinuran—na parang pagmamaliit sa sining ng pagpapatawa.
Ayon sa mga ito: “Mali po ata ang pag-construct n’yo ng panawagan. Komedyante po ay tao.”
“Comedy is an art, sir. Meron ka bang talent at nila-lang mo lang ang pagiging komedyante?”
“What do you mean ‘komedyante lang’?”
Malinaw na na-turn off ang mga netizens kay Xander sa halip na maawa at mangalampag din sa GMA para bigyan siya ng trabaho.
Saka teka, to begin with—may comedic talent nga ba si Xander to want to become a comedian?