Home ENTERTAINMENT Xia Vigor, thankful kay Boss Vic!

Xia Vigor, thankful kay Boss Vic!

1
0
Screenshot

Manila, Philippines – Thankful ang 17 year old na bagets na si Xia Vigor sa top honcho ng Viva na si Boss Vic del Rosario dahil ang mga plano nito sa kanya ay unti-unting natutupad.

Pahayag ni Xia, “I’m super-grateful po, kasi ay sunod-sunod ang mga project na ibinibigay nila sa akin ngayon. And nararamdaman ko po iyong pag-value nila sa akin, especially po kay Boss Vic.

“Kasi mafi-feel mo talaga na Boss Vic treats you like a family, na may paki po talaga siya sa iyo, kaya super-grateful po ako sa Viva at kay Boss Vic.”

Aminado rin ang magandang teen actress na ibang klaseng excitement ang na-feel niya nang nalaman na ang 2019 blockbuster movie nilang “Miracle in Cell No. 7” ay mayroong sequel at entry pa ito sa 2026 MMFF.

Aniya, “Dream come true po talaga iyon sa akin since matagal na rin po akong hindi gumawa ng MMFF project. Ang first and last ko po ay iyong Miracle… na una.

“Siyempre I think it’s everyone’s dream naman lagi na makasali po rito (MMFF), kasi iyon ang time na buhay talaga ang cinema. Tapos, maraming families ang nagpa-plan for Christmas na manood dito…

“So maingay siya, inaabangan siya at masaya iyong parade sa MMFF. So, grabe po ang core memories nito sa akin noong bata pa po ako.

“So, hindi ko po alam kung paano nila mae-execute talaga. Ang nasabi pa lang po sa akin, parang prequel-sequel siya, na ipapakita yung life ni Yesha (Xia) after ng tragic na nangyari sa father niya, kung paano siya nag-cope with all that.

“I think magiging inspiring siya sa mga kabataan, na makikita ang mga struggle niya pero sa huli ay magiging okay naman siya. Tapos ay naging lawyer pa siya paglaki niya, na nakita naman po natin sa part-1ng movie,” aniya pa hinggil sa pelikulang “2nd Miracle In Cell No. 7” na tatampukan nilang muli ni Aga Muhlach.

Natatawang naikuwento rin ni Xia na nang unang sinabi sa kanya ni Boss Vic ang proyektong ito ay hindi niya agad naintindihan.

“Kasi po, noong last time kaming pumunta sa Viva office para i-finalized yung project na gagawin ko, sinabi po sa akin ni Boss Vic na, ‘Xia, gagawin na iyong Second Miracle…’ Masaya po siya nang sinabi niya iyon sa akin, pero hindi ko po ma-gets ang sinabi niya. Bale, hindi ko po alam na MMFF movie pala iyon dahil wala pa pong nagsabi sa akin.

“So, sabi ko lang po, ‘Ah, sige po.’ Hindi man lang ako nakapag-thank you po kay Boss Vic.”

Nakangiting dagdag pa niya, “Nalaman ko lang po fully, na nag-sink-in na talaga sa akin iyong sinabi po ni Boss Vic siguro after two days nang nag-post po ang Viva na: Official entry – ‘2nd Miracle In Cell No. 7’ … Doon pa lang po nag-sink-in sa akin, doon pa lang po ako nagtatatalon sa tuwa.” Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here