Home NATIONWIDE Nagpakalat ng maling impormasyon sa 2023 Bar Exams inalis sa listahan ng...

Nagpakalat ng maling impormasyon sa 2023 Bar Exams inalis sa listahan ng bar passer, pinagmulta

1
0

MANILA, Philippines – GUILTY sa indirect contempt ang isang bar passer at review coach na nagpakalat ng fake news na AI ang magche-check ng Bar Exam.

Sa desisyon ng SC En Banc noong Hulyo 2026, inalis sa listahan ng bar passers si Tsidkenu Dizon ng Bar Law for Dummies, pinagmulta ng P30,000, at pinagbawalan na mag-practice ng abogasya.

Nag-ugat ang kaso sa viral post noong Setyembre 2023 na nagsasabing “i-so-sort, che-check, at i-co-correct ng AI ang 2023 Bar Exams” at payo pang “Always start with yes or no. Yan ang unang hahanapin ng AI Checking.”

Ayon sa Korte Suprema, peke, walang basehan, iresponsable at mapanirang-puri ang post na nag-dulot ng panic at anxiety sa mga examinees.

Sa halip na burahin, hinanap pa umano ng coach ang media attention at sinabing na-devastate siya sa advisory ng SC at may “chilling effect” daw ito.

Giit ng SC, bilang bar passer, dapat alam niyang committee ng bar examiners ang nagche-check, hindi AI. At ang pagko-coach sa bar reviewees ay unauthorized practice of law na. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here