Manila, Philippines – Tumataginting na kalahating milyong piso bilang gantimpala ang naghihintay kay Angelica, ina ng Paris Olympics double gold medalist na si Carlos Yulo.
Hindi raw ito biro kundi isang seryosong deal mula kay Xian Gaza.
Binanggit pa nga ni Xian kung saan at paano makukuha ni Angelica ang nasabing reward.
Ito’y para na rin daw makatulong sa ibang mga anak ni Angelica.
Bukod kay Carlos ay may tatlo pa itong anak.
‘Yun nga lang, may kakambal na kundisyon ito.
Ayon kay Xian, ibibigay lang daw niya ang nasabing halaga kung titigilan na ni Angelica ang mga pasaring nito laban kay Carlos.
Samantala, idinulog naman ni Angelica ang kanyang reklamo laban sa kanyang mga bashers sa social media kay Atty. Raymund Fortun.
Nais papanagutin ni Fortun ang mga taong nagkakalat ng imbentong kasiraan laban kay Angelica.
Posibleng maharap ang mga ito sa paglabag sa Anti-cyber libel Law.
Nasa proseso na raw sila ng pagrerebyu ng mga atake laban kay Angelica sa social media.
Partikular na pinalagan ng kampo ni Angelica ang kinalabasan ng dalawang interbyung pinaunlakan niya.
Ang mas pinley up daw kasi ay ang panig ni Chloe San Jose, nobya ni Carlos.
Nabanggit na ni Angelica na ito raw ang naglalayo kay Carlos sa kanila.
Sa isang banda, marami naman ang nakakapansin na dina-downplay ng ama ni Carlos ang alitan ng mag-ina na pera umano ang pinag-ugatan.
Inalmahan kasi ni Angelica ang paratang na ninakaw niya ang pera ng anak.
As far as Carlos’ dad is concerned, looking forward ito na sa pagbabalik ng anak mula sa Paris Olympics ay makakapag-usap nang masinsinan ang mag-ina: “Usap tayo ng mama mo.” Ronnie Carrasco III