Home ENTERTAINMENT Xian, naglambing ng steak kay Kim bago inisplitan!

Xian, naglambing ng steak kay Kim bago inisplitan!

Manila, Philippines- Sinariwa ng online program ni Ogie Diaz ang last few moments ng ka-sweet-an nina Kim Chiu at Xian Lim.

Of course, nangyari ito prior to their breakup.

Ayon kay Ogie quoting his source, bago naganap ang makasayasayang paghihiwalay nila’y naglambing pa si Xian kay Kim na kung maaari’y ipagluto nito ng paboritong steak ang nobyo.

Ganoon na lang daw ang excitement ni Kim.

Pero walang kamalay-malay ang tsinita actress na ang pagsasaluhan nilang steak ay “last supper” na pala nila.

While eating, doon na raw nagdayalog si Xian.

Ani Ogie, hindi man daw ito ang eksaktong linyang binitiwan ni Xian, more or less, it went this way:

“I think na mas mabuti pa to end this relationship since this isn’t getting anywhere. Besides, your family doesn’t approve of me. So do your friends.”

Humigit kumulang daw ay ‘yun ang mga katagang namutawi sa bibig ni Xian.

Siyempre nga naman daw, hindi maiaalis kay Kim na maging speechless dahil sa pagtataka.

Imagine din nga naman na nakuhang sabihin ‘yon sa kanya ni Xian sa kalagitnaan ng magana nilang kainan.

Sino raw ang taong gaganahan pang kumain kahit masarap pa ang nasa hapag-kainan?

Samantala, ayon pa rin sa mga source ni Ogie ay sweet daw sina Xian at Iris Lee nang makitang magkasama sa Bangkok, Thailand.

Si Iris ang film producer na iniuugnay kay Xian.

Magka-holding hands pa raw ang dalawa.

Dagdag info pa ng source ni Ogie, sa iisang kuwarto lang daw sila nag-check in sa hotel sa Bangkok. Ronnie Carrasco III