Home NATIONWIDE Deadline sa Bar exam application ipinaalala ng DOJ

Deadline sa Bar exam application ipinaalala ng DOJ

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Korte Suprema na magtatapos na sa Abril 5 ang proseso ng application para sa 2024 Bar Exams na nagsimula nitong Enero 15.

Ipinaalala ng Supreme Court (SC) na dapat pa rin gumawa ng panibagong application profile ang mga retakers at refreshers sa Bar Applicant Registration System and Tech Assistance (BARISTA).

Kinakailangan magpasa ang mga aplikante ng printed at signed copies ng application form, kasama ang iba pang mga requirements sa Office of the Bar Confidant habang ang soft copy version ay ipapasa sa nasabing online registration system.

Malalaman sa naturang online platform ang modes of payment para sa babayarang exam fee na Php12,800.

Ang mga requirements ay kailangan maipasa sa loob ng 10 araw pagkatanggap ng notice of approval of application ng mga bar exam applicants.

Ang Bar Exams ngayong taon at isasagawa sa Sept 8, 11 at 15.

Sa mga susunod na buwan ay iaanunsyo ng SC ang magiging Local Testing Centers (LTC) sa mga pangunahing siyudad sa National Capital Region, Luzon, Visayas at Mindanao. Teresa Tavares