Home ENTERTAINMENT Xian, private pilot na!

Xian, private pilot na!

Manila, Philippines – “Still in the clouds from everything that happened!”

Ito ang buong kagalakang ipinost ni Xian Lim sa kanyang social media account.

Literal ngang nasa alapaap ang Kapuso actor makaraang magkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap.

Isa nang certified private pilot si Xian.

In his account, isang todo-ngiting larawan ang finlex ni Xian na naka-uniform ng pilot.

Abut-abot ang kanyang pasasalamat sa flying academy sa Subic kung saan siya nagtapos.

Hindi rin nakaligtaang pasalamatan ni Xian ang isang nagngangalang @Captain Chiclet dahil sa pasensya nito.

Ipinapalagay na ‘yun ang nag-train kay Xian.

Itinuturing ni Xian na dream come true ang pagiging isa na niyang private pilot.

“Soar high!” naman ang nagkakaisang dalangin ng mga netizens para sa aktor.

Plane ride with Xian, anyone? Ronnie Carrasco III