Home ENTERTAINMENT Xian, rumesbak sa GMA writer!

Xian, rumesbak sa GMA writer!

Manila, Philippines – Mahirap katrabaho. Ginagawang miserable ang buhay ng mga writer.

llan lang ito sa mga paratang ng isang GMA writer laban kay Xian Lim.

Nakilalang si Brylle Tabora ang nasabing manunulat na may insinuwasyon na nakatrabaho na niya si Xian sa isa o ilang proyekto ng GMA.

So far, dalawang serye pa lang ang nagagawa ni Xian sa naturang network buhat nang lumundag mula sa ABS-CBN.

Ang una ay ‘yung katambal ay ang fantaserye kasama si Herlene Budol.

Pero noong time na ‘yon ay hindi pa opisyal na Kapuso si Xian.

Ang teleseryeng ‘yon ang bale pamalit sa pansamantalang na-shelve niyang proyekto na Love. Die. Repeat. opposite Jennylyn Mercado.

Xian’s followup teleserye was that of LDR.

Hindi malinaw kung alin sa dalawang teleserye nakatrabaho ni Xian si Brylle.

Pero ayon mismo sa aktor, itinanggi niyang kilala niya si Brylle.

Pero dinepensahan naman ni Xian ang kanyang sarili kung sa palagay ng GMA writer ay “maarte” o demanding ito pagdating sa trabaho.

Ani Xian: “I need to know the character I’m giving life to that’s why I raise concerns. I’m just passionate about my work. What’s wrong with that?”

Ito ang unang beses na nakatanggap ng reklamo si Xian mula sa writer na umano’y nakatrabaho niya.

Back in ABS-CBN ay walang record si Xian na sakit ng ulo ng mga taong bumubuo ng creative team.

Pero granting na valid ang reklamo ni Brylle, paano ito in-address o ia-address ng istasyon? Ronnie Carrasco III