Home ENTERTAINMENT Xian, umiskor ng eroplano!

Xian, umiskor ng eroplano!

Manila, Philippines- Mukhang sa pagpipiloto na  naka-focus ngayon si Xian Lim.

Licensed pilot na nga ang aktor.

Nobyembre last year nang ibahagi niya sa kanyang Instagram ang first solo flight niya at nitong Enero ay naging ganap na siyang piloto.

Bilang isang private pilot, tatlong beses pala  sa isang araw ang biyahe ni Xian sa iba’t ibang mga lugar—na dahilan kaya hindi na rin siya masyadong visible sa telebisyon at pelikula.

Ang huling seryeng ginawa niya sa Kapuso ay Love Die Repeat kasama si Jennylyn Mercado.

At bongga ha? Dahil ganap ng piloto, tinupad ni Xian ang pangarap niyang magkaroon  ng sariling light aircraft.

Lumipad si Xian sa Brisbane, Queensland, Australia  para tingnan, inspeksyonin, at kunin ang personal light aircraft na kanyang binili.

“This is more than I ever dreamed of as a kid,” sey ni Xian.

Sa kanyang IG story, pinakita ni Xian ang mga larawan ng light aircraft na binili niya sa Australia.

Caption niya rito, “Pre-buy inspection, test flight at you’re mine.”

Halos isang araw lamang si Xian sa Brisbane  para iuwi agad sa Pilipinas ang light aircraft na isasakay niya sa barko. Rommel Placente