Home NATIONWIDE Viral cop iimbestigahan ng NAPOLCOM sa socmed post sa pag-aresto kay Digong

Viral cop iimbestigahan ng NAPOLCOM sa socmed post sa pag-aresto kay Digong

MANILA, Philippiens – Iniimbestigahan ng NAPOLCOM si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas dahil sa social media posts kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nahaharap siya sa mga kasong administratibo, kabilang ang grave misconduct, na maaaring humantong sa suspensyon, demotion, o pagtanggal sa serbisyo.

Nagsampa rin ng reklamong inciting to sedition laban sa kanya ang QCPD sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act.

AWOL si Fontillas mula Marso 6 at iginiit niyang simpleng pagpapahayag lang ng kanyang paninindigan ang kanyang mga post.

“Inciting to sedition daw ‘ýung ginawa ko? Hahaha. Okay lang ba kayo? I only expressed my stand and my principles. Where’s our right to freedom of expression now? Kawawa naman ang Pilipinas. Hahaha,” pahayag ng parak.

Muling binigyang-diin ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil ang pagiging neutral ng PNP at nagbabala laban sa paggamit ng organisasyon para sa personal o pampulitikang interes. RNT