Home TOP STORIES Yamsuan umapela sa Kamara: School Safety Act madaliin

Yamsuan umapela sa Kamara: School Safety Act madaliin

2
0

MANILA, Philippines — Hinimok ni Parañaque 2nd District Rep. Brian Yamsuan ang House of Representatives na pabilisin ang pagtalakay at pagpasa ng panukalang Comprehensive School Safety Act kasunod ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato.

Sa ilalim ng House Bill No. 10864 na inihain ni Yamsuan, isinusulong ang pagtatatag ng National Comprehensive School Safety Framework na magtatakda ng mga pamantayan para sa school safety plans, security measures, learner protection, mental health support, violence prevention at anti-bullying mechanisms. Nauna nang naiulat ang paghahain ni Yamsuan ng naturang panukala para palakasin ang seguridad sa mga paaralan.

“No child should enter a classroom in fear,” ani Yamsuan, kasabay ng panawagan sa mga kapwa mambabatas na agad aksyunan ang mga nakabinbing school safety measures.

Nanawagan din ang kongresista sa mga local government unit na gamitin ang kanilang Special Education Fund (SEF) para sa mga hakbang gaya ng pagkuha ng security personnel at paglalagay ng CCTV sa mga pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng DepEd-DBM-DILG-DOF Joint Circular No. 1, s. 2025, pinalawak at nilinaw ang mga alituntunin sa paggamit ng SEF para sa supplementary needs ng mga pampublikong paaralan.

Binanggit din ni Yamsuan ang pagsusuri ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2 na nagpapakitang nananatiling mababa ang paggamit ng SEF sa ilang LGU. Ayon sa EDCOM 2, umabot sa humigit-kumulang P15 bilyon ang underutilized SEF noong 2022.

“Even just a small portion of the SEF can be used by LGUs to support programs on school safety. Ensuring our schools remain safe and secure is a shared responsibility,” ani Yamsuan.

Sa Senado, isinusulong din ang Comprehensive School Safety Act na naglalayong magtatag ng pambansang sistema para sa prevention, response at recovery sa mga banta at insidente sa mga paaralan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here