Home HOME BANNER STORY Malacañang: Kilos-protesta ngayong Sept. 21, ‘wag sana mauwi sa karahasan

Malacañang: Kilos-protesta ngayong Sept. 21, ‘wag sana mauwi sa karahasan

1
0

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Malacañang na panatilihing mapayapa ang mga nakatakdang kilos-protesta ngayong Lunes, Setyembre 21, at iwasan ang anumang karahasan o pananakit.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na iginagalang ng administrasyon ang karapatan ng iba’t ibang grupo na ipahayag ang kanilang sentimyento at hinaing sa pamahalaan.

“Hindi naman kinakailangan na magkaroon ng karahasan, pananakit o pagkasawi pa ng ating mga kababayan dahil ang ating Pangulo ay nakikinig sa bawat hinaing ng ating mga kababayan,” ani Castro sa naunang Palace briefing kaugnay ng mga protesta.

Ayon kay Castro, hindi hahadlangan ng pamahalaan ang mapayapang pagpapahayag ng saloobin ngunit umaasa itong hindi mauuwi sa kaguluhan ang mga pagtitipon.

Tiniyak din ng Malacañang na nakahanda ang Philippine National Police (PNP) para bantayan ang mga rally site at panatilihin ang seguridad sa gitna ng mga demonstrasyon.

Inaasahang magsasagawa ng mga kilos-protesta ang iba’t ibang grupo ngayong Setyembre 21, kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here