Home ENTERTAINMENT Yassi, sinagot ang pag-aaral ng batang kapangalan!

Yassi, sinagot ang pag-aaral ng batang kapangalan!

Manila, Philippines- “Unexpected moments are simply the best!”

Ito ang buong kasiyahang bulalas ni Yassi Pressman patungkol sa ‘di inaasahan niyang encounter sa Cebu.

Ang kuwento, namimili raw ang aktres sa Carbon Market nang biglang may mag-inang lumapit sa kanya.

Siguro’y natunugan ng ina na naroon si Yassi sa nasabing pamilihan kung kaya’t kinaray niya ang kanyang anak na babae.

The girl’s name turned out to be Yassi, too.

The usual exchange of pleasantries ensued.

Yassi gave the little Yassi a hug.

Nang tanungin ng aktres kung anong grade na ito sa paalaran, the mother replied: “Grade I po.”

Beaming with joy, nangako si Yassi sa ina ng bata na: “O, sige, sagot ko na Grade Il niya!”

Ibig sabihin, tutustusan na raw ni Yassi ang tuition fee ng little Yassi pag tuntong nito ng Grade II.

Laking tuwa naman ni Yassi.

She thanked the mother and daughter in her post: “Thank you for making our Cebu trip memorable!”

Nais din daw makilala ni Yassi ang ibang mga batang babae named after her.

Noong 2024, ikina-touch din ni Yassi ang kuwento ng driver ng isang service nang malamang Yassi rin ang ipinangalan nito sa kanyang anak.

Naku, sa dami yata ng Yassi sa buong Pilipinas ay marami ang pag-aaralin nang libre ng aktres!

Scholarship foundation ito? Ronnie Carrasco III