Manila, Philippines- Sa mediacon ng Vivmax movie na Celestina: Burlesk Dancer ay nag-showdown sa paggiling ang dalawang sex sirens na sina Yen Durano at Christine Bermas.
Nang lumabas si Yen sa stage, sumayaw at nagsimula nang gumiling ay pinalakpakan siya ng entertainment media, mapa-babae man o lalake.
Nai-kwento naman ni Direk Mac Alejandre na ang pagsasayaw nila ay itinuro ng isang professional dancer.
Nagpahanap kasi talaga sina direk Mac ng talagang magtuturo ng burlesk and there is a burlesk society at ‘yon ang kinuha nila para magturo sa dalawa.
Si Yen ang bida sa pelikula at si Christine naman ang isa sa kanyang mga suporta. Isang period movie ito na isinet bago pa magkaroon ng World War 2.
“Grateful ako sa Viva family for trusting me with this project. It’s not easy. Thank you for believing on me lalo na kay direk Mac.
“Grabe talaga ang 360 degrees ng universe. Just be kind to people and the universe will give it back to you ten times.
“Kung may challenge man ako na naranasan, ‘yun ‘yung language kasi medyo deep ang Tagalog and the lines are very long but I’m very good in memorizing lines,” sabi pa niya.
Dahil period movie nga ang Celestine: Burlesk Dancer ay malalalim na Tagalog talaga ang sinadya sa kanilang linya.
Kumusta naman ang naging relasyon nila ni Christine sa shooting?
“I respect Christine kasi she is a very good actress. I like the energy of Christine, very positive and she is a real friend to me,” sabi niya.
Sino naman ang mas magaling gumiling sa kanilang dalawa ni Christine?
“We are not in competition naman pero sa totoo lang, mas mahirap yung dancing kesa sa sexy scenes.”
Kung magbu-burlesk siya sa tunay na buhay, sa anong pagkakataon niya ito gagawin?
“Para mag-butlesk sa tunay na buhay, there should be a reason and urgency o kaya sa asawa ko.
“Saka, maybe I will be open to it in a different lifetime,” sabi pa niya.
Kasama rin sa Celestine: Burlesk Dancer si Aaron Villafpr and Sid Lucero. Showing in cinemas on December 4. JP Ignacio